Little Miss Homo Sapien's Cave

Gutom na Kaalamanan

Ano ba namang buhay ito

Iluwal mo at lolobo nanaman ang populasyon

Kitilin mo at ika’y isang mamamatay tao.

Mabuti pang hindi na lang ito nabuo at tinuloy

Tutal bunga lamang ito ng lasing na desisyon

Ng dalawang taong hindi naman nagmamahalang totoo

At pinagbuklod lang ng matinding libog.

Sa lansanganan naglipana, naglaganap

Sa mga bintana ng mga sasakyan at mga restawran,

Nakatunganga’t nakanganga para sa kaunting barya

Na sa kalam ng tiyan nila’y kakalma

Sa anong wasto na  paraan ba dapat makialam

Ng tuluyan ng maipikit ang kinamulatan at

Hindi na muli pang magbulag-bulagan?

Paano pangangaralan ang mangmang na

Tanging kulo lang ng sikmura at

tawag ng laman ang alam lang niyang pagsilbihan?

Karumaldumal, pero ito ang katotohanan

Sisihin nanaman ang sistema na tayo mismo ang naghulma.

Kaya ang tanong ko lamang sa ating mahilig

Magmalinis at mag-galing-galingan, paanong

Naging kasalanan ang pigilan ang isang nilalang na

Maghirap? Ito’y hindi pagpaslang, bagkus ito’y

Pagsilang.


Advertisements

5 responses

  1. Reality truly bites. It happens. And that it so sad.

    25/01/2011 at 22:13

    • Yes it does. But words are not enough. Something has to be done by us who can see through the sh*t. Being complacent is tiring.

      25/01/2011 at 23:04

  2. fradgeebots

    Para sakin ang tanging nakikita kong solusyon sa patuloy na paglobo ng naghihirap na populasyon ay ang RH bill. Hindi ko talaga mainitindihan bakit kailangan hayaan ng pamahalaan ang simbahan na makialam kung mismong constitution na natin ang nagsasabi na ang separation ng church at government ay inviolable. (Feeling ko yun din ang point mo0 😉

    Anyway, ang galing mo. 🙂 Simple, pero ang powerful ng dating.

    26/01/2011 at 13:03

    • Mahirap makipag-usap sa mga tao (mga opisyal ng simbahan) na sarado na ang utak at hindi bukas ang kamalayan sa totoong estado ng lipunan. Dahil dito ang mga taong kulang sa kaalaman at oportunidad ang nagsasakripisyo at naghihirap.

      Salamat sa kumento.

      26/01/2011 at 19:13

      • fradgeebots

        Sa sobrang paniniwala nila sa Dyos, umabot na sila sa puntong naging makasarili na sila. Walang anuman. 🙂

        26/01/2011 at 20:31

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s