Little Miss Homo Sapien's Cave

Muni-muni

Idlip ng buwan, kadilimang nakikiraan
Ihip ng hangin, nag-iiba ang timpla
Tinutunghayan ang lobo na nadadala sa
pampang ng kamalayan
Magsasagwan, sa indayog
ng iyong kinaroroonan.

Tanging magbuntong hininga
lamang ang kakayahan
Ang humiga sa bubungan, at i-konekta
ang mga tila tuldok na mga
bituin at planeta–
Makatarungan ba namang pigilan
Ang pagbuka ni Liwayway,
ang gulugod na saksakan ng hunday?

Tabi-tabi po
at makikiraan lamang
eksena sa iyong panaginip,
bigyang puwang
Ang pagtatanan ng aking
rosas na pagtitimpi at
ng iyong luntiang pag-aalinlangan.

Lumilindol and himlayan
sa loob ng bola, na gawa
sa dinurog na sampaguita’t
sabon na panlaba
Ala-ala ng mga sinaunang bahagya:
sinong mag-aakalang
ngayong gabi ay
taga-habas na sa talahiban?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s